Pumapalo na sa halos 2,000 ang bilang ng mga stranded sa mga pantalan sa iba’t ibang bahagi ng bansa dahil sa pananalasa sa Typhoon Rolly.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), kabilang dito ang mga pasahero, truck drivers at pahinante mula sa Bicol, Southern Tagalog, National Capital Region at Eastern Visayas.
Maliban dito, naitala rin ng PCG ang nasa 83 barko, 119 na motorbancas, at 846 na rolling cargoes o RoRo na stranded.
Tiniyak naman ng PCG na mahigpit silang nakabantay para sa implementasyon ng mga panuntunan sa pagbiyahe ng mga sasakyang pandagat sa gitna ng sama ng panahon.