Naranasan mo na bang pumunta sa grocery store para bumili sana ng isang item, pero mapapansin mo na lang na puno na pala ang cart mo?
Dahil ‘yan sa tatlong strategies ng supermarkets na unconsciously nanghihikayat sa iyong gumastos.
Kung mapapansin, kadalasang nasa pinakadulo ng supermarket ang basic goods tulad ng bigas, karne, gatas, at itlog. Ito ang unang strategy nila.
Sa paraang ito, marami kang madadaanang ibang produkto na maaari mong maisipang bilhin.
Ikalawa, inilalagay ng supermarkets sa lower shelves ang mga produktong pambata para madali itong makita ng mga chikiting. At kapag nakita na nila ito, tiyak na kukulitin na nila ang kanilang mga magulang na bumili.
Ikatlo, nilalakihan nila ang shopping carts dahil mas nae-engganyo ang customers na bumili kung marami pang natitirang space dito. Kaya kung isa o dalawang items lang naman ang balak mong bilhin, mas maganda kung hand-carry na lang ito.
Ngayong alam mo na ang strategies ng supermarkets, maaari mo na itong gawing guide kapag naggro-grocery ka. Tandaan, bumili lang nang naaayon sa budget at sa pangangailangan.
Ikaw, may sarili ka bang tips and tricks upang makatipid tuwing namimili?