Uubra sa Pilipinas ang ginamit na strategy ng Israeli Health Ministry para mapabilis ang vaccination roll out sa bansa.
Ipinabatid ito sa DWIZ ni Dr. Ted Herbosa, medical expert ng national task force against COVID-19 bagamat nananatili ang mahigpit na border control sa Israel na nakatapos na sa pagbabakuna ng walong milyong populasyon nito.
Malaki aniyang bagay ang paggamit ng apat na malalaking HMO O health maintenance organization ng Israel para matiyak na lahat ng tao sa kanilang bansa ay mabakunahan.
Mayroong sila 4 na HMO o health maitenance organizations, na in-charge to make sure na lahat dapat mabakunahan ay ma-vaccinate. May programa din sila na tinutulungan nila mag-kumbinse lalo sa mga ultra othodox Jews na kausapin tto convince them to vaccinate sila, ani Herbosa sa panayam ng IZ sa Ala-sais