Naniniwala si Senador Panfilo Lacson na napapanahon na para baguhin ng pamahalaan ang istratehiya para tuluyan nang mawakasan ang problema sa New People’s Army (NPA).
Ayon kay Lacson , magandang malaman ang kasaysayan na pinagmulan ng isyu upang malaman ang pinag – ugatan nito at kung saan nabibigo ang magkabilang panig.
Simula aniya na magkaroon ng mga usapang pangkapayapaan ay tila umiikot ikot lang ang proseso nito.
Paliwanag ni Lacson , matapos na makapag – usap ang magkabilang panig ay magkakaroon naman ng mga paglabag, na susundan ng sisihan at turuan, bago muling magkakaroon ng pag-uusap.