Nirerepaso ng AFP ang mga strategy nito sa pakikipag bakbakan sa Maute Group sa Marawi City.
Kasunod na rin ito nang pagkamatay ng dalawang sundalo sa airstrike mismong ng tropa ng pamahalaan nuong Miyerkules ng tanghali.
Sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na ang nangyari ay patunay lamang ng nature ng urban warfare kung saan nag o operate ang mga sundalo sa mahigpit na space at malapit sa mga kaaway.
Ayon kay Lorenzana nananatiling hamon sa tropa ng pamahalaan ang mga posisyon ng Maute Group sa Marawi City dahil pangunahing kunsiderasyon nila ang kaligtasan ng mga sibilyan na naiipit sa lungsod.
Tiniyak muli ni Lorenzana na pababagsakin ang puwersa ng mga terorista sa Marawi City.
By: Judith Larino
Stratehiya ng AFP sa pakikipagbakbakan sa Maute nirerepaso was last modified: July 14th, 2017 by DWIZ 882