Welcome sa Globe group ang kautusan ng Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na nag-ii-streamline sa proseso nang pagkuha ng government permits para sa konstruksyon ng telecommunications infrastructure.
Ayon kay Globe Group President and CEO Ernest Cu, suportado at natutuwa sila sa nasabing direktiba ng Pangulong Marcos Jr. para mapabilis ang digital transformation ng bansa at magbukas ng mga panibagong pinto sa mas marami pang oportunidad para sa mga pilipino sa larangan ng edukasyon, employment at innovation.
Muling tiniyak ni Cu ang commitment ng globe para mai deliver ang #1stworldnetwork sa mga Pilipino base na rin sa tumataas na demand ng bansa para sa mas mabilis, reliable at inclusive connectivity.
Binigyang diin pa ni Cu na ang nasabing executive order ay ay hindi lamang para mapabilis ang proseso kundi maisulong ang long term, sustainable digital transformation sa bansa tungo sa mas inclusive at competitve business environment na magpapalakas sa innovation na higit na mapapakinabangan ng mga Pilipino.
Tiwala ang Globe sa kinabukasan at handang isulong ang mga oportunidad na nakabase sa executive order 32.