Ipinagpatuloy ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang street-by-street inspection sa mga business establishment sa buong bansa para mahigpit na ipatupad ang pagsunod sa mga batas at regulasyon sa buwis.
Ayon kay BIR Commissioner Lilia Catris Guillermo, maaari nang maglabas ng Mission Orders (MO) sa fieldmen para sa Tax Compliance Verification Drive (TCVD) Purposes.
Binigyang diin din niya na ang imbestigasyon sa pag-iisyu ng Letters of Authority (LA) ay nananatiling suspendido.
Samantala, target ng mo ang mga colorum business activities at retail stores na hindi nagbibigay ng invoice o resibo sa mga kliyente.