Nagsibalikan na ang mga street dwellers sa Roxas Boulevard matapos ang APEC Summit kagabi.
Sinabi ng mga street dwellers sa isang panayam na panahon na upang bumalik sa boulevard dahil kailangan na nilang humanap ng pagkain at mapagkakakitaan.
Lalo’t tatlong araw silang pinagbawalan sa naturang lugar.
Ang mga street dwellers ay sinasabing itinago ng pamahalaan bilang bahagi umano ng pagpapapogi ng bansa sa mga delegado ng APEC.
Pero una na itong itinanggi ng DSWD at sinabing ang hakbang nilang iyon ay bahagi lamang ng kanilang Modified Conditional Cash Transfer Program.
By Allan Francisco