Nagtamo ng first-degree burns sa mukha ang isang street sweeper, matapos sumabog ang isang Liquefied Petroleum Gas (LPG) at lumikha ng sunog sa Quezon City.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagmula ang pagsabog sa ground floor ng isang pizza restaurant sa Visayas Avenue sa barangay Vasra kaninang umaga.
Kinilala ang nasugatan na si Sophia Rafa na nagwawalis lang sa lugar.
Maliban sa tindahan ng pizza, naapektuhan din ng pagsabog ang ilang homeowners sa likod nito.
Inaalam pa ng awtoridad ang dahilan at halaga ng pagsabog.–-mula sa panulat ni Abby Malanday