Maaari nang makita nang malapitan ang mga tourist locations sa Pilipinas sa internet.
Ito’y matapos ilunsad ng Google ang Street View Philippines kung saan masisilayan ang mga magagandang lugar sa bansa sa pamamagitan ng 360-degree panoramic angles.
Sinabi ni Google Philippines Country Manager Ken Lingan na idinokumento nila ang 30 lugar gamit ang street view car at trekker na kinabitan ng 15 cameras.
Paliwanag ni Lingan, limitado ang mga lugar na maaaring makita rito sa ngayon at idaragdag na lamang nila ito sa mga susunod na araw.
Ayon naman kay Boxing World Champion Manny “Pacman” Pacquiao na nanguna sa launching ng Street View, mas madali nang makita ng mga turista ang mga magagandang tanawin sa bansa.
By Jelbert Perdez