Hindi maitatanggi na ang back pain ay isa rin sa mga pangunahing dahilan kung bakit nakaliliban sa trabaho ang karamihan ng mga manggagawa o empleyado.
Kapag may back pain, maaari ring makaranas ng dagdag na pananakit sa gulugod, kalamnan, o nerves ng likod.
Ngunit ayon sa ilang pag-aaral, ang stress at depresyon ay posible ring maging sanhi ng back pain.
Kapag stressed at malungkot daw kasi ang isang tao, nababawasan ang produksyon ng ilang hormones at kemikal sa utak na nakatutulong upang mabawasan ang anumang sakit na nararamdaman sa katawan.
Kaya naman kapag lumiit ang produksyon ng mga kemikal na ito, lalong makararamdam ng pananakit ng likod o sa ibang parte ng katawan.