(Health News)
Alam nyo bang sa pamamagitan lamang ng mga ginagamit na salita ay matutukoy na kung ang isang tao ay puno ng stress???
Ayon sa mga eksperto ng University of Arizona, ang paulit-ulit na paggamit ng mga salitang pang-halip o adverbs gaya ng “talaga… sobra at napaka” ay senyales ng matinding stress.
Napatuynayan ito sa pamamagitan ng eksperimento kung saan ni-record ang speech patterns ng may 143 volunteers…lumalabas na nagiging paulit-ulit ang naturang mga salita at expressions sa mga panahong ngarag o nase-stress ang mga ito.
Mapapansin ding bibihira sa mga stressed na participants ang gumagamit ng salitang “sila” o “kanila”.
Paliwanag ng eksperto, kapag tayo ay aburido na at nasa ilalim ng matinding pressure … nakatuon na lamang ang ating atensyon sa ating mga sarili.
—-