Todo depensa si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) EDSA Traffic Management Chief Bong Nebrija sa mahigpit na pagpapatupad nila sa yellow lane policy kahit pa inabot ng kalahating araw ang mga commuters sa kanilang byahe.
Ayon kay Nebrija, sumusunod lamang sila sa polisiya ng MMDA na ang mga pampasaherong bus ay dapat limitado sa yellow lanes.
Sinabi ni Nebrija na hindi sila pwedeng pumayag na okupahin ng mga pampasaherong bus ang buong EDSA.
Matatandaan na sa nagdaang dalawang araw, naging mabilis ang daloy ng trapiko sa tatlong lanes ng EDSA na inilaan para lamang sa mga pribadong sasakyan samantalang nagmistulang malaking parking lot naman para sa mga pampasaherong bus ang dalawang yellow lanes na laan para sa kanila.
We cannot allow them to take over EDSA, alam niyo po, since I’m assumed command of EDSA, e, napaayos na naming ‘yan, e, for a time. Nagsimula na lang ‘yung problema no’ng Friday, tapos no’ng Monday, pare-pareho pa rin. So, ‘yun nga, ang ginawa naming, we strictly enforce, this is just strict enforcement. Ganyan po talaga ang kailangan nating gawin dahil paano naman po kung tinake-over nila ang EDSA wala rin pong makakadaan,” giit ni Nebrija.
Ratsada Balita Interview