Nag-iba na ang ihip ng hangin, dahil ngayon naging mas bukas na ang magulang nina Toni at Alex Gonzaga pagdating sa pakikipagrelasyon.
Hindi tulad noong dalaga pa si Toni na todo higpit ang mga ito.
Ayon kay Alex, pinapayagan na syang makipag-date ngayon ng kanyang mga parents basta hindi lalampas sa kanyang curfew na 12 midnight.
Hindi tulad ng kanyang ate na mas maaga pa ditto.
Aminado si Alex na ilang buwan na rin silang exclusive dating ng isang non-showbiz guy.
Boto naman dito ang kanyang mga magulang gayundin ang kanyang Ate Toni.
Aprub na rin umano kung mag-aasawa na si Alex basta huwag lang daw muna in the next two years.
By Rianne Briones