Tinawag na panghaharas ni Senador Antonio Trillanes the Fourth ang isinampang kaso laban sa kanya ni dating Vice Mayor at Presidential Son Paolo Duterte.
Ayon kay Trillanes, walang kabuluhan ang kaso at layun lang aniya ng nakababatang Duterte na ilihis ang atensyon ng publiko mula sa negatibong isyung kinakaharap ng gobyerno.
Nanindigan ang Senador na nakapag presinta siya ng mga ebidensya na mag-uugnay kay Paolo Duterte sa 6.4 billion shabu smuggling case sa isinagawa nuong Senate hearing.
Sa kabila nito, tiniyak ni Trillanes na kanyang haharapin mga kasong isasampa laban sa kanya ng kampo ng dating Davao City Vice Mayor.