Nagpapatupad na ng stripping sa Philippine Military Academy (PMA) upang alamin kung sinu-sino ang mga kadete ang dumaan sa pagmamaltrato.
Ipinag-utos ito ng Armed Forces of the Philippines (AFP) matapos na mamatay sa hazing ang isang kadete samantalang nagpapagaling pa sa ospital ang dalawang iba pa.
Ayon kay Brig. Gen. Edgard Arevalo, spokesman ng AFP, ang bawat kadete ay iniinspeksyon ng kanilang tactical officer kung may mga palatandaan ng pasa, galos o anumang senyales ng pagmamaltrato at kung may nararamdamang sakit sa katawan.
Sinabi ni Arevalo na bahagi pa rin ito ng kanilang pagsisikap na matigil na ang hazing sa PMA.