Nakubkob ng pinagsanib na puwersa ng militar at MILF o Moro Islamic Liberation Front ang itinuturing na stronghold ng BIFF o Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa Barangay tee, Datu Salibu Maguindanao.
Ayon kay Captain Arvin Encina, Spokesman ng 6th Infantry Division ng Philippine Army, na-recover nila sa lugar ang tatlo bangkay na hindi pa kinikilala.
Ang lugar aniya ay pinaniniwalaang pinagkukutaan ng paksyon ng BIFF na pinamumunuan ni Abu Toraype.
Tiniyak ni Encina ang puspusan pang military operations upang tuluyang mapuksa ang BIFF.
“Napakalaking tulong po itong mga ginagawang efforts ng MILF, nagsimula po ang kanilang operation against BIFF last August 2 particularly itong kay Commander Bongot faction, kagabi nakubkob ang pinaka-stronghold na position nitong faction ni Abu Toraype.” Ani Encina
Samantala, kinumpirma ni Encina na isa sa tatlong paksyon ng BIFF ang posibleng sumusuporta sa Maute Group na sumalakay sa Marawi City.
Ito aniya ang paksyon ni Abu Toraype na matagal nang nagwawagayway ng bandila ng ISIS.
“Talagang hayagan po niyang sinasabi na may kaugnayan siya sa mga ISIS, kaya hindi rin po natin isinasantabi na may kaugnayan o link itong grupo ni Abu Toraype at grupo ng mga Maute.” Pahayag ni Encina
(Ratsada Balita Interview)