Mga structural engineers ang kailangan sa mga lugar na matinding tinamaan ng 6.7 magnitude na lindol sa Surigao .
Ito ang ipinanawagan sa DWIZ ni Office of Civil Defense-CARAGA Regional Director Rosauro Gonzales dahil sa mga naapektuhang maraming istruktura sa Surigao City at sa ilan pang naapektuhang lugar.
Ayon kay Gonzales, kailangang makita ng mga engineers ang mga istrktura gaya ng mga gusali at mga tulay na nagkaroon ng mga bitak dahil sa malakas na impact ng lindol noong Biyernes ng gabi.
Pakingan: Bahagi ng pahayag ni OCD-CARAGA Region Director Rosauro Gonzales sa panayam ng DWIZ
By: Aileen Taliping