Nakita sa pag-aaral ng Willis Towers Watson (WTW) at World Economic Forum ang Disparity of Wealth sa pagitan ng mga manggagawang lalake at babae matapos ang kanilang pagreretiro sa trabaho.
Ayon sa pag-aaral, ang average accumulated wealth ng mga kababaihan laban sa kalalakihan sa panahon ng kanilang pagreretiro ay nasa 74% lamang.
Mataas naman ng dalawang puntos ang natatamasa ng mga kababaihang manggagawa sa mga bansa sa Asia at Pacific at isa ang bansang Pilipinas sa mga nasa listahan kung saan ang WTW Wealth Equity Index ay lagpas sa global average.
Umangat ang Pilipinas ng 79%, indikasyon na isa ito sa mga maunlad na ekonomiya tulad ng China na may 78%, Japan 82%, South Korea 90% at Singapore, 79% habang nananatili naman sa 64% ang gender wealth gap sa India.
Nabanggit ng WTW ang isang lumang alalahanin na kailangang iprayoridad ng mga kababaihan ang childcare dahilan upang talikuran nito ang kanilang career.
Gayundin, itinuturing ng naturang kumpanya na ang financial literacy at long-term financial decisions ay kadalasang inaatas sa kalalakihan. —sa panulat ni Hannah Oledan