Hininto ng Commission on Higher Education (CHED) ang programa na naglalayong tulungan ang mga mag-aaral sa kolehiyo sa pamamagitan ng pautang o loan na babayaran pagkatapos ng graduation.
Ito’y ayon kay CHED Chairperson Prospero de Vera ay dahil sa “napakababang” payment rate.
Anang opisyal, nagdesisyon ang gobyerno na ihinto ang “Study Now, Pay Later Program” dahil karamihan ng nag-loan ay hindi nagkatrabaho pagkatapos ng graduation.
Mababatid na dahil dito ay wala silang sapat na pera upang mabayaran ang kanilang utang.