Arestado ang isang stuntman at NBI volunteer makaraang mahulihan ng mga hindi lisensyadong baril sa Cainta, Rizal.
Kinilala ang suspek na si Yan Martin Cabanas na naaresto sa bahay nito sa Barangay San Andres sa bisa ng warrant of arrest dahil sa patung-patong na reklamo ng illegal recruitment.
Gayunman sinabi ni Lt Col. Domingo Soriano, hepe ng CIDG detective and special operations unit, tumambad sa kanila ang samu’t saring mga armas, paint gun at isang katana na pagmamay-ari ni Cabanas.
Patuloy namang inaalam ng PNP kung tunay ngang NBI volunteer ang suspek, batay na rin sa mga nakuhang I.D., badge at vest ng mga otoridad mula rito.
Maliban naman sa kinahaharap nang mga reklamo, ipinagharap din si Cabanas sa kasong paglabag sa R.A. 10591 o Illegal Possession of Firearms and Ammunition Law.
with report from Jaymark Dagala (Patrol 9)