Panahon na upang ipaayos ng gobyerno ang Subic Airport at ipa-upgrade and Clark Airport.
Ayon kay Senador Dick Gordon, na-divert kamakailan ang mga flight mula NAIA patungong Clark dahil sa poor visibility.
Sa kasalukuyan aniyang estado ng Clark Airport, hindi nito handang hawakan ang malaking volume ng traffic dahil hindi ito nakadisenyo para tumanggap ng maraming flight.
Kaugnay nito, iginiit ni Gordon na makabubuting agad na maipaayos ng gobyerno ang Subic Airport upang ganap itong makapag-operate bilang International Airport at i-upgrade na rin ang Clark Airport.
Dagdag pa ni Gordon, maaaring magsilbing main alternate airport ang Clark at Subic airport kapag nagkakaroon ng problema sa NAIA.
Sa ganitong paraan, maiiwasan ang matinding pahirap sa mga pasahero at matinding pinsala hindi lamang sa ating reputasyon kundi pati na rin sa airline business.
Turismo, aniya, ang isa rin sa matinding naaapektuhan kapag nagkakaroon ng aberya sa NAIA.
Matatandaang ipinasara ang main runway ng NAIA para sa isang emergency repair.
By: Avee Devierte