Pang-17 ang Pilipinas sa 20 bansa sa mundo kung saan pinakamabuti ang magretiro.
Batay ito sa listahang inilabas ng Forbes Magazine.
Tinukoy ng Forbes Magazine ang Subic Bay at Tagaytay bilang magagandang lokasyon sa Pilipinas kung saan maganda ang mag-retire o popular na retirement havens.
Ayon sa Forbes Magazine, kabilang sa nakakaakit sa mga US retirees ang mababang cost of living at tropical environment sa Pilipinas at ang pagiging bihasa ng mga Pinoy sa lenguaheng Ingles.
Kabilang rin sa mga napasama sa listahan ng Forbes Magazine ang mga bansang Australia, ang Belize sa Central America, Canada, Chile, Colombia, Costa Rica, Croatia, Ecuador, France, Ireland, Italy, Malaysia, Mexico, Nicaragua, Panama, Portugal, Spain, Thailand at Uruguay.
Kabilang sa mga kunsiderasyon para mapasama sa 20 best foreign retirement havens in 2015 ang cost of living, mga cultural attractions at scenery, safety o kaligtasan ng mamamayan, usapin sa buwis, local hospitality, panahon, sapat na healthcare at pagsasalita ng Ingles ng mamamayan.
By Len Aguirre