Bukas na sa mga motorista simula Disyembre 28 hanggang Enero 15 ang Subic Freeport Expressway mula ika-6 ng umaga hanggang ika-6 ng gabi.
Ito ay isasara tuwing gabi upang maituloy ang konstruksyon sa expressway kabilang ang paglalagay ng standard LEDs , drainage system, 2 karagdagang expressway lanes, 2 tulay at tunnel , drainage system at ang pagpapalawak sa kapasidad ng SFEX na may halagang P1.6-B.
Tinatayang may kabuuang haba ito na 8.2 kilometro at inaasahang matatapos sa taong 2021.
Samantala tiniyak naman ng pamunuan ng Subic Freeport ang pagsunod nito sa safety requirements para sa kaligtasan ng mga daraan na motorista.—sa panulat ni Agustina Nolasco