Magtatatag ng 7 subnational laboratories (SNL) ang Department of Health na makatutulong ng malaki sa mabilis na pagtukoy sa mga mas nakahahawang sakit at mas epektibong pagtugon sa mga outbreak.
Ang SNL ay ilalagay sa Ilocos training and regional medical center, Jose B. Lingad memorial regional hospital, Western Visayas Medical Center, Vicente Sotto Memorial Medical Center, Zamboanga City Medical Center, Southern Philippines Medical Center at Cotabato Regional and Medical Center.
Suportado ito ng World Health Organization (WHO) na nagbigay ng P36-M na halaga ng laboratory equipment at supplies.