Pinadalhan na ng subpoena ng DOJ o Department of Justice ang mga opisyal ng religious organization na Kapa Community Ministry Incorporated.
Kaugnay ito ng isinampang reklamong paglabag sa R.A 8799 o Securities and Regulation Code ng SEC o Securites ang Exchange Commission laban sa Kapa.
Dahil dito, inatasan ni Assistant State Prosecutor Gilmarie Fe Pacamarra ang mga opisyal ng Kapa na magsumite ng counteraffidavit at humarap sa mga pagding sa Hulyo 5 at 15.
Kabilang sa mga pinadalhan ng subpoena ng DOJ sina Kapa Founder and President Pastor Joel Spolinario, Board of Trustees Margie Danao, Corporate Secretary Reyna Apolinario at iba pang mga opisyal ng grupo.
(with report from Bert Mozo)