Inihahanda na ng Senado ang subpoena para kay COMELEC Chairman Andres Bautista sa oras na mabigo itong magpaliwanag matapos hindi dumating sa imbestigasyon kahapon ukol sa paglabag niya umano sa Anti-money Laundering Law.
Bukod dito wala ring pinirmahan si Bautista na waiver para matingnan ang kaniyang bank accounts kaya walang bagong impormasyon na nakuha sa pagdinig.
Ayon kay Sen. Chiz Escudero posibleng gumamit na ng kapangyarihan ang senado para piliting dumalo si Bautista sa pagdinig.
Batay sa patakaran ng Senado, maaari nilang i-contempt at ipaaresto ang tatangging humarap sa kanilang mga pagdinig.
Gayunman, umaasa pa rim si Escudero na paninindigan ni Bautista ang una niyang pahayag sa publiko na nakahanda siyang dumalo sa anumang imbestigasyon.