Magpapalabas na ng subpoena ang Department of Justice laban kay Senadora Leila de Lima at iba pa anumang araw ngayong linggo.
Ito’y ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre ay para dumalo sa isasagawang prelimenary investigation ng DOJ hinggil sa Bilibid drug trade.
Magugunitang inirekumenda ng NBI sa DOJ nuong isang linggo ang pagsasampa ng patumpatong na kaso laban kina De Lima at sa mga dating opisyal ng BUCOR, NBP, ilang inmate at NBI na nagsabwatan para kunsintehin ang iligal na gawain sa Bilibid.
Ipinag-utos na rin ni Aguirre sa kaniyang department order na pagsama-samahin ang 4 na reklamong isinampa nila Jaybee Sebastian, dating NBI Deputy Directors Noel Lasala at Rey Esmeralda gayundin ng Volunteers Against Crime and Corruption o VACC.
By: Jaymark Dagala