Inaasahang magpapalabas ng subpoena laban kay Senador Koko Pimentel ang Department of Justice (DOJ) sa susunod na linggo.
Kaugnay ito ng naging paglabag ni Pimentel sa quarantine protocols matapos nitong samahan ang noo’y manganganak na asawa sa Makati Medical Center sa kabila ng pagiging suspected COVID-19 patient.
Ayon kay DOJ Prosecutor General Benedicto Malcontento, kalakip ng kanilang ipadadalang subpoena ang kopya ng reklamong inihain laban kay Pimentel.
Kasunod nito, pagpapasiyahan ng DOJ prosecutor panel kung may batayan ang inihaing kaso laban sa senador.
Si Pimentel ay nahaharap sa reklamong paglabag sa Republic Act No. 11332 o non cooperation of persons or entities that should report and/or respond to notifiable diseases or health events of public concern at regulasyon ng Department of Health.