Nanawagan na ang Philippine Chamber of Agriculture and Food Incorporated (PCAFI) sa pamahalaan na sumaklolo na sa mga magsasaka ng palay.
Ayon kay PCAFI President Danilo Fausto, ang hinihiling ng mga magsasaka ay mapababa ang presyo ng bigas para sa mga consumer pero dapat matiyak na mananatiling mataas ang farm gate price ng palay.
Hindi naman anya maaaring ibaba ang presyo ng pagbili ng palay sa mga magsasaka dahil nasa mahigit 12 pesos ang presyo bunsod ng mahal na fertilizer at krudo.
Iginiit ni Fausto na kailangan ding kumita ng mga magsasaka dahil kung wala silang kikitain ay hindi na magtatanim ang mga ito.
Dapat ding bigyan ng financial assistance ang mga rice farmer kung talagang nais ng gobyerno na ibaba ang presyo ng bigas.
Una nang inihayag ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. na abot-kamay na ng mga Pilipino ang 20 pesos na kada kilo ng bigas. – sa panulat ni Hannah Oledan