Nangako si Senate Committee on Ways and Means Chairman Sonny Angara na maglalagay sila ng mga kaukulang safety nets para maiwasan ang tax increase sa langis at mga sasakyan.
Ito’y bilang pangtapat sa banta ng mga grupong pangtransportasyon na dagdag pasahe kapag naisabatas ang Comprehensive Tax Reform measure na isinusulong ng Administrasyong Duterte.
Ayon kay Angara, kabilang sa mga programang kanilang hakbang ay ang pagbibigay ng subsidy tulad ng Pantawid Pasada Program gayundin ang Transport modernization upang maging mas epektibo ang public transport system para sa mga pasahero.
Magugunitang sa ilalim ng isinusulong na Tax Reform Bill ng Malakaniyang, tataasan nito ang buwis sa mga produktong petrolyo na maaaring magresulta sa dagdag pasahe.
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno