Ikinukunsidera ng House Committee on Transportation ang pagbibigay ng subsidiya sa mga tsuper dahil sa sunod-sunod na oil price hike.
Ayon kay Samar 1st District Rep. Edgar Mary Sarmiento, ito ay para i-atras na ng transport group ang hirit na tatlong pisong dagdag-pasahe.
Ani Sarmiento, maaari namang tulungan ng pamahalaan ang mga tsuper na apektado ng pagtaas ng presyo ng gasolina.
Alinsunod aniya ito sa section 82 ng Republic Act 10963 o Tax Reform for Acceleration and Inclusion o Train.
Magugunita umanong ginawa na ito noong 2018 at 2019 kung saan binigyan muna ng ayuda ng pamahalaan ang mga jeepney driver.