Makukumpleto na ang pamamahagi ng fuel subsidy sa 600,000 tricycle drivers sa buong bansa sa enero ng susunod na taon.
Ito ang tiniyak ni Transportation Secretary Jaime Bautista sa muling pagsalang sa confirmation hearing ng Commission on Appointments (CA).
Sa datos, nasa 20,000 tricycle drivers pa lang ang nabigyan ng ayuda ng gobyerno.
Binigyang-diin naman ni Bautista na tuloy-tuloy ang koordinasyon nila sa mga lokal na pamahalaan upang mapabilis ang pamamahagi ng fuel subsidy. - sa ulat mula kay Cely-Ortega Bueno (Patrol 19).