Labingpitong (17) senador na ang pumirma sa committee report o substitute bill ng Bangsamoro Basic Law o BBL na isinumite ni Senate Committee on Local Government Chairman Bongbong Marcos.
Ayon kay Marcos, ang mga lumagda sa report ay sina Senador TG Guingona, Koko Pimentel, Antonio Trillanes, Pia Cayetano, Alan Peter Cayetano, Bam Aquino, Lito Lapid, Loren Legarda, Sonny Angara;
Cynthia Villar, Nancy Binay, Grace Poe, JV Ejercito, Gringo Honasan, Ralph Recto at Tito Sotto.
Hindi lamang nakapirma si Senador Miriam Santiago dahil naka-medical leave ito habang nilinaw ni Senator Chiz Escudero na hindi siya miyembro ng alinman sa tatlong komite na humawak sa BBL kaya’t hindi siya lumagda sa report.
Nakatakdang sponsoran ni Marcos sa Miyerkules ang committee report na may titulong Bangsamoro Autonomous Region Bill na aabot sa 100 pahina.
By Drew Nacino | Cely Bueno (Patrol 19)