Nabigo si Senator Bongbong Marcos na maisumite ngayong araw ang kanilang inihandang substitute bill para sa Bangsamoro Basic Law (BBL).
Ayon kay Marcos, ito ay dahil hindi nila natapos ang pag-aamyenda sa panukalang batas, dahil sa dami ng dapat baguhin para matiyak na ayon sa konstitusyon ang kanilang ipapasang bersyon.
Sa kabila nito, tiniyak naman ni Marcos na kanilang matatapos at maisusumite sa senado ang substitute bill sa loob ng linggong ito.
By Katrina Valle | Cely Bueno (Patrol 19)