Iginiit ni Senate Committee on Local Goverment Chairman Bongbong Marcos na sa panahong naka-break ang sesyon ng kongreso ay gagawin niya ang substitute bill sa Bangsamoro Basic Law o BBL.
Ginawa ni Marcos ang pahayag kasunod ng kanyang sinabi na niya masusuportahan ang Malacañang version ng BBL.
Ayon kay Marcos, sa buwan ng Hulyo kapag nagbalik na ang sesyon, handa na niyang dalhin sa plenaryo ang substitute bill at committee report kung saan “provision by provision” at “page by page” ang gagawin nilang pagtalakay sa naturang panukalang batas.
Nabatid na isa pang public hearing ang isasagawa ukol sa BBL bago simulan ni marcos ang paggawa ng committee report at substitute bill.
By Jelbert Perdez | Cely Bueno (Patrol 19)