May nakikitang problema si Atty. Romeo Macalintal sa isyu ng substitution ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa Certificate of Candidacy ni Martin Dinio.
Sinabi sa DWIZ ni election lawyer Atty. Romeo Macalintal na COC for mayor ng Pasay City ang tinakbuhan ni Dinio at hindi sa pagka-presidente.
Kailangan aniyang mayroong kaukulang amendment ang COC ni Dinio para magamit ni Duterte ang substitution sa pagka-presidente.
“Depende lahat yan sa COMELEC kung paano nila reresolbahin yung issue na yung COC na kanyang papalitan na si Dinio ay depektibo, may inherent effect, dahil iyon ay for mayor ng Pasay City. Pu-pwede na lang bang intensyon na lang ng kandidato ang manaig o yung dokumento na nagpapatunay na kanyang sinumpaan? Kasi yung COC, sinumpaang salaysay yan eh,” paliwanag ni Macalintal.
Sinabi pa ni Atty.Macalintal na ang magiging problema ngayon ni duterte ay ang kawalang explanation ni Dinio nang mag-withdraw ito sa kanyang COC.
By: Aileen Taliping (patrol 23)