Posibleng malagay sa alanganin ang substitution ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte kay Volunteers Against Crime and Corruption Chairman Martin Diño para sa 2016 presidential election.
Ito ang paniwala ng veteran election lawyer na si Romulo Macalintal matapos maghayag ng kandidatura si Duterte sa pagka-pangulo.
Ayon kay Macalintal, lumalabas sa Certificate of Candidacy ni Diño na tumatakbo ito bilang alkalde ng Pasay city kaya’t malabong mag-substitute si Mayor Digong sa VACC Chairman sa Presidential race.
Lumalabas din na depektibo ang COC ni Diño kaya’t hindi ito maaaring gamiting basehan ng anumang substitution dahil tila hindi nag-file ang kandidato sana ng PDP-Laban.
Idinagdag ni Attorney Mac na pinagpaliwanag ng Commission on Elections si Diño kung bakit hindi ito dapat ideklarang nuisance candidate.
Sakali anyang mapatunayang nuisance ay lalong walang rason si Duterte na mag-substitute dahil mababaliwala ang COC ni Diño
By: Mariboy Ysibido