Pag-aaralang mabuti ng Commission on Elections ang isyu ng substitution ni Davao city Mayor Rodrigo Duterte para sa pampanguluhan.
Sinabi sa DWIZ ni COMELEC Chairman Andy bautista na may mga ilang bagay na dapat malinawan sa substitution issue lalo pa at nag-withdraw na si Martin Dinio na kapartido ni Duterte.
Sinabi ni Bautista na inatasan na niya ang kanilang law department na tingnan kung ano ang dapat gawin sa ganitong sitwasyon.
“Itong pag substitute ni Mayor Duterte, alam naman natin na mayroong mga tanong, kung tama ba ang prosesong ginamit, yang issue na yan ay dapat tignan. Mahalaga sa commision na siguraduhin na bigyan ng pagkakataon ang partido na makapagsabi ng kanilang mga posisyon sa bagay na ito para naman yung ‘due process’ ay masunod.” paliwanag ni Bautista.
By: Aileen Taliping (patrol 23)