Ipinag-utos na ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na ilaan ang lahat ng locally produced na asukal ngayong taon at sa taong 2023 para sa domestic consumption.
Alinsunod sa Sugar Order 1, ang 100% ng raw sugar production na naani ngayong taon ay dapat na i-classify bilang “B” o domestic sugar market.
Ang crop year 2022-2023 ay nagsimula ngayon lamang Setyembre at magtatapos sa Agosto a – 31 ng susunod na taon.
Sa pagtaya ng ahensya, halos 1.9 million metric tons ang domestic raw sugar production para sa 2022-2023 crop year.
Nilagdaan ang sugar order ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na kasalukuyang kalihim ng Department of Agriculture.
Lumagda rin sa nasabing kautusan sina Agriculture undersecretary Domingo Panganiban, acting SRA administrator David John Thaddeus Alba, SRA acting board members ma. Mitzi Mangwag at Pablo Luis Azcona.