Tiniyak ng Sugar Regulatory Administration na hindi mauuwi sa kontrobersya ang panibagong iniutos na sugar importation ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior.
Ito’y kasunod sa pag-apruba ni PBBM sa importasyon ng hanggang 150,000 metriko toneladang asukal bilang karagdagang suplay at mapababa ang presyo nito.
Sinabi ni SRA Acting Admin Pablo Azcona, na bubuksan sa lahat ng mga rehistradong industrial importer ang pag-aangkat ng asukal sa oras na kailanganin ito.
Dadaan anya ito sa maayos na proseso sa SRA Board ang sugar importation.
Sa ngayon, inaasahang pupunan ng importasyon ang posibleng maging kakulangan sa buffer stock ng asukal sa bansa.