Aabot sa sampung katao ang sugatan sa mass shooting sa New York City.
Nasa edad 19 hanggang 72 ang mga nagtamo ng pinsala at agad namang dinala sa pagamutan.
Ayon sa New York Police Department, agad nilang pinuntahan at nirespondehan ang lugar ng insidente.
Ayon naman sa imbestigasyon, bigla na lamang binaril ng apat na hindi pa kilalang suspek ang mataong lugar sa 97th street.
Tinutugis naman na ng kapulisan ang mga suspek.—sa panulat ni Rex Espiritu