Sinagip ng mga tropa ng pamahalaan ang isang sugatang lider ng New People’s Army (NPA) sa bayan ng Jabonga sa Agusan del Norte.
Ayon sa 29th Infantry Battalion (29IB) ng Philippine Army, nakasagupa ng mga sundalo ang isang grupo ng mga rebelde sa Barangay Bangonay.
Makalipas ang ilang minutong sagupaan, natagpuan nila ang sugatang rebelde na si Elgelbert Bongaos na sinasabing squad leader ng North Eastern Mindanao Regional Committee.
Ayon kay 29IB commander Colonel Jason Saldua, iniligtas at ipinagamot nila si Bongaos bilang pagtalima sa International Humanitarian Law.