Umaabot na sa 123 sugatang sundalo ang dinala sa Camp Evangelista sa Cagayan de Oro City mula nang umusbong ang sagupaan sa pagitan ng militar at Maute Terror Group sa Marawi City.
Sunud-sunod ang dating kahapon ng mga helicopter sa Camp Evangelista, lulan ang mga sundalong nasugatan sa bakbakan sa Marawi.
Kabilang sa isinugod sa kampo ay isang opisyal ng militar na nasugatan nang mapasok ang sinasabing stronghold ng Maute Group.
Kabuuang 43 sundalo naman ang naka-confined sa Camp Evangelista, habang ang apat (4) na iba pa ay na-admit sa pribadong hospital.
By Meann Tanbio
Sugatang sundalo sa Marawi crisis umabot na sa mahigit 100 was last modified: June 7th, 2017 by DWIZ 882