Isasara ang isa sa kilalang tourist spot sa Siargao Island na Sugba Lagoon sa loob ng isang buwan.
Batay sa abiso ng lokal na pamahalaan ng Siargao, isasailalim ang nabanggit na lagoon sa isang buwang rehabilitasyon mula Enero 10 hanggang Pebrero 10.
Bahagi anila ito ng kanilang taunang programa para mapanatili ang kalinisan at kagandahan ng Sugba Lagoon.
Sa loob ng isang buwang pagsasara, hindi papayagang makapasok sa lugar ang mga turista at mga bangka.
Kilala ang Sugba Lagoon dahil sa malinis, kulay blue-green na tubig at madalas puntahan para sa cliff diving activity doon.