Pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang naging suhestiyon ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) para sa pagsasamoderno ng sektor ng agrikultura sa bansa.
Kasunod ito ng pakikipagpulong ni Pangulong Marcos Jr., sa mga miyembro ng SINAG upang pag-usapan at pakinggan ang kanilang suhestiyon sa pagpapaigting ng farming techniques para sa mga magsasaka.
Ayon sa Office of the President (OP), sinasala na ng Pangulo ang naturang rekomendasyon na malaking tulong sa aspeto ng credit, comprehensive insurance, at pamumuhunan ng mga magsasaka para sa pangmatagalang panahon.