Bukas si Senator JV Ejercito, Chairman ng Senate Committee on Health sa suhestyon na kumuha ng third party pathologist sumuri sa pagkamatay ng mga bata na iniuugnay sa Dengvaxia.
Ayon kay Ejercito, maganda itong hakbang dahil mawawala ang mga pagdududa sa mga nauna nang pagsusuri tulad ng ginawa ng Public Attorneys Office o PAO at mga experts mula sa Philippine General Hospital o PGH.
Ang suhestyon ng pagkuha ng third party pathologist ay nagmula mismo kay Justice Secretary Vitalliano Aguirre na siya ring may mandato sa PAO.
—-