Iginagalang ng palasyo ang panukala ni COMELEC Commissioner Rowena Guanzon na isagawa ang 2022 elections sa pamamagitan ng mail voting.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque sa ilalim ng konstitusyon ay mandato ni Guanzon ang pag-supervise at pagsasagawa ng eleksyon.
Gayunman inamin ni Roque na hindi siya sigurado kung may pangangailangan pang-amyendahan ang Omnibus Election Code para bigyang daan ang mail in voting sa susunod na halalan.
Samantala tutol sina Senador Panfilo Lacson at Senate President Vicente Tito Sotto III sa nasabing panukala ni Guanzon.
Sinabi ni Lacson na hindi praktikal sa Pilipinas ang mail voting at tanging voting in person lamang ang u-ubra sa dahil wala pang ipinatutupad na national ID system sa Pilipinas.
Nangangamba naman si Sotto na mag-leak ang resulta ng botohan tama man o peke kapag ginawa ang mail voting.
Maaari aniyang dayain o magkaroon ng dayaan sa anumang paraan nito.