Inako na ng Radical Kurdish Group na konektado sa Kurdistan Workers Party ang madugong suicide bomb attack na ikinasawi ng 35 katao sa Ankara, Turkey.
Ipinost pa ng Kurdistan Freedom Falcons sa kanilang website ang pag-ako sa nasabing suicide attack noong March 13.
Ayon sa grupo, ang suicide bomb attack ang sagot nila sa security operations ng Turkish forces sa Southeast na dominado ng Kurdish Group.
Ang naturang pag-atake ay naganap tatlong linggo matapos ang isang car bombing sa Ankara na ikinasawi naman ng 29 katao.
By Judith Larino
Photo Credit: AFP