Patay ang 15 katao na karamihan ay mga pulis sa labas ng Polio Eradication Center sa Quetta City sa Pakistan matapos umatake ang isang suicide bomber sa isang anti-polio campaign.
Magkahiwalay naman na inako ng dalawang militant groups ang pag-atake, ang Pakistani Taliban at Jundullah, na may kaugnayan sa Taliban at nanumpa ng katapatan sa Islamic state.
Pinasabog ng bomba ang police van na kadarating lamang sa center para mag-escort sa mga manggagawa para sa immunization ng mga bata limang taon pababa sa probinsya ng Baluchistan.
By Mariboy Ysibido